Monday, October 24, 2011

The Works of Rene Batallones


BAKIT HINDI DINIDINIG
ANG ATING MGA DASAL

Lecture Prepared by:
Eisa "Rene" Saturno - Batallones
May 13, 2007

Bismillah

Al hamdullillahi Rabbil Allameen
Al hamdullillahi bil Eemani
Wal Islami wal Qur'an Wassalatu wassalamu
Allal maba'usi.. Rahmatan lil allameen
Say'yedeena Muhammad
Alayhi afdalu ssalati wa attamu salam
Wa alla allihi…Wa as habihi…Wa man tabi'ahum
Bi ihsannin ilaa yaw middeen…A ma baad
Assalam alaykum wa rahmatulahi wa barakatu.


Ang papuri ay kay Allah (SWT) lamang ang lumikha sa mga bagay na nakikita at hindi nakikita at ginawang ang mga ito ay kaibig-ibig sa mata ng kanyang mga alipin at magsilbing palatandaan ng Kanyang pagiging Panginoon at Tagapaglikha ng mga ito. Pasasalamat kay Allah (SWT) sa pananampalataya na Kanyang ibinigay, ang Islam, at ang Qur'an. Marapat na Siya ay bigyan ng papuri at pagluwalhati na Siyang nagbibigay ng Awa sa buong mundo. 

Ako ay sumasaksi na walang ibang Diyos tangi sa Kanya at si Muhammad (SAS) ang huli at sagka ng mga Sugo. Nawa ang kapayapaan at biyaya ay mapasakanya, sa kanyang pamilya sa kanyang mga sahaba at ang sinumang sumusunod sa kanila sa paggawa ng mabuti hanggang sa araw ng paghuhukom.


Siya si Allah ang tigib ng Karunungan, ang Puspos ng Kaalaman. Talastas niya kung ano ang pumapasok sa kalupaan at lumalabas mula rito; kung ano ang nananaog sa alapaap (kalangitan) at pumapanhik doon. Siya ang Pinakamaawain, ang Malimit na Nagpapatawad. (Qur'an 34:1-2)

Mga kapatid ko sa Islam. Batid natin ang gawang pagdarasal ay ipinag-utos ng ating Tagapaglikha na si Allah –  (SWT) at ito ay isang batas na kailangang tupdin ng Kanyang mga alipin na may pananagutan sa Kanya. Ang dasal ang ulo ng Islam at ito ang unang tatanungin sa araw ng Pagbabangong Muli.

Sinabi ni Allah sa Banal na Qur'an: (Autho billahi minashaytani rajeem – Bismillahir-rahman nir-rahim)

"Wa maa 'umirooo 'illaa liya'budul-laaha mukhliseen lahud-deena hunafaaa'a wa yuqeemus-salaat…"
At sila ay hindi pinag-utusan maliban lamang na kanilang sambahin si Allah, (at huwag mag-akibat ng ng mga katambal sa kanya), at mag-alay ng Salah (takdang panalangin ng mahinusay) (Qur'an 98:5)

Malinaw na binanggit sa Banal na Qur'an at ipinag-utos ang gawang pagdasaral subalit  papaano nga ba ito katanggap-tanggap ni Allah (SWT) dapat nating malaman ang ilang kahalagahan ng Salah o ang gawang pagdarasal.

1.     Ang Salah ang unang ipinag-utos ni Allah at ito rin ang unang bagay na tatanungin ni Allah sa Araw ng Pagbabangong muli. Ang Salah ang naghihiwalay sa pagitan ng Mananampalataya at mga hindi mananampalataya.
2.     Ang salah ang Marka ng Islam. Ang isang taong nagsasagawa ng mga Salah sa tamang oras ng may sinseridad sa kanyang sarili at may debosyon at isinasaalang-alang ang lahat ng regulasyon hinggil dito kabilang na ang Mustahabaat (Sunnah) ay tantos na isang tunay na Mu'mim.
3.     Sa lahat na ipinag-utos ni Allah, ang Iman at ang Salah ang may mataas na halaga. Kung mayroon mas mainam pa kaysa sa Salah, kung gayon ito ay Kanyang ipinag-utos sa mga anghel na ang ilan sa kanila ay palagiang yumukod at ang iba naman ay nagpapatirapa.
4.     Ang Salah ay isa sa haligi ng Islam.
5.     Hinahamak ng Salah ang Demonyo.
6.     Ang Salah ang liwanag ng isang Mu'min.
7.     Ang Salah ang mabisang jihad.
8.     Si Allah ay palagiang naalaala ang isang tao na palagiang nagsasagawa ng Salah.
9.     Ang Salah ay nag-aalis sa kasalanan ng isang Muslim kung ito ay gagawin ng may sinseridad sa kanyang puso at para kay Allah lamang.
10.          Ang Salah ay kaparis ng ulo ng tao, kung wala ang Salah ang lahat ng papuri at pagsamba ay bale wala.

Subalit may mga taong palagiang nagtatanong kung bakit ang kanilang gawang pagdarasal ay walang katugunan na nagmula kay Allah o bakit ang mga ito ay hindi dinidinig. Ating alamin ang sampung dahilan kung bakit hindi ito dinidinig ni Allah at an gating puso ay patay sa 10 kadahilanan.

1.     Kilala mo si Allah ngunit hindi mo ginagawa ang tungkulin sa Kanya. (ang magdasal sa tamang oras, magbigay ng kawanggawa sa nangangailangan, dalasan ang pag-alala sa Kanya sa pamamagitan sa bigkas ng kanyang mga katangian at ang mga dhikir, kagaya ng subhannallah, alhamdullilah, la ilaha illallah, at allahuakbar).

Ang tanong kilala nga ba natin si Allah? Oo kilala natin ang katagang Allah dahil ito ang pangalan ng nag-iisang Diyos subali’t kilalang-kilala ba natin Siya? Alam mo ba ang kahulugan ng salitang tawheed. At mabilis tayong sasagot – Oo naman… pangalawang tanong…Tiyak mo ba sa puso mo na kilala mo si Allah o mayroong itong pag-aalinglangan. Sapagkat kung kilala natin si Allah matatakot tayong talikdan ang Kanyang pinag-uutos. Kung ano ang pinag-uutos ng tawheed. Dahil karamihan sa atin ay madaling bumitiw sa tawheed at nasusumpung na tumawag sa iba pa liban sa kanya.

2.     Nababasa mo ang Qur'an subalit hindi mo sinusunod ang mga nakapaloob na katuruan dito. (kagaya ng mga batas at mga ipinagbabawal sa relihiyong Islam)

3.     Sinasabi mo na mahal mo si Propeta Muhammad subalit hindi mo ipinamumuhay ang kanyang mga ginawa at ang lahat ng ito ay taliwas sa kanyang mga gawa. (kagaya ng mga Sunnah at kailangan nating malaman kung anu-ano an mga ito upang gawin natin sa ating pag-araw-araw na buhay dito sa mundo)

Ayon sa sinabi ni Abdullah Ibn Mas'ud (RA), nagsabi ang sugo ni Allah (SA):"Ang sinumang masisiyahang makatagpo niya si Allah bukas bilang isang Muslim ay pangalagaan niya ang mga Salah na ito yamang nanawagan sa mga ito, sapagkat tunay na si Allah ay nagsabatas sa Propeta ninyo ng mga kalakaran ng patnubay. Kung kayo ay nagdasal sa mga bahay ninyo, talagang napabayaan na ninyo ang sunnah ng Propeta ninyo. Kung napabayaan ninyo ang sunnah ng Propeta ninyo, talagang naligaw na kayo. Walang nagpapaiwan sa Salah kundi isang Munafiq na kilala sa pagka Munafiq. Talagang noon nga ay may isang lalaking inihahatid na inaalalayan sa pagitan ng dalawang lalaki upang makatayo sa hanay." Iniulat ni Imam Muslim.

4.     Sinsabi mo na laban ka kay Shaytan ngunit pinauunlakan mo ang kayang imbitasyon na gumawa ng labag sa Islam. (di mo parin maitigil ang paninigarilyo na isa itong haram, mahilig kang manlibak ng tao at tawagin ito sa pinakapangit na pangalan. Hindi mo ba alam na nalulungkot si Allah kapag pinipintasan natin ang Kanyang nilikha sapagkat Siya ang lumikha at para sa Kanya, isa ito sa pinaktatangi sa Kanya na hinubog ito ayon sa Kanyang kagustuhan)

5.     Ninanais mo ang Paraiso subalit ang mabubuting gawa mo ay hindi sapat upang makapasok at makamtan mo ito. (papaano natin malalaman na kung mayroon na nga ba tayong may mga mabubuting ginawa – balikan natin ang bawat minuto, oras at malalaman natin sa buong maghapong nagdaan kung may mabubuti na ba tayong nagawa at alam natin na ito ay katanggap-tanggap kay Allah)

6.     Sinasabi nating natatakot tayo sa Impiyerno ngunit hindi mo ito iniiwasan. (hindi ka umiiwas sa paggawa ng mga kabawalan sa Islam na maaaring ikapahamak mo kagaya ng mga bid'a [kabaguhan] at marami pang iba)

7.     Sinasabi natin at naniniwala tayo sa kamatayan subalit hindi mo ito pinaghahandaan. (Hindi mo inihahanda ang iyong sarili sa nakatatakot na kaparusahan dito marapat na gumawa tayo ng mabubuting gawa at maging God conscious tayo lagi nating alalahanin na sa ilalim ng hukay ay may kaukulang kaparusahan tayong tatanggapin)

8.     Ginugugol natin ang ating oras sa pagpuna ng mga kamalian ng iba subalit hindi natin nakikita ang kamalian natin sa ating sarili. May kasabihang tingnan natin ang ating mukha sa salamin at baka may muta tayo. At bago nating linisin ang bakuran ng iba ay linisin muna natin ang sarili nating bakuran.

9.     Maraming biyaya ang tinatanggap natin kay Allah subalit hindi tayo tumatanaw ng utang na loob sa Kanya. Nalilimutan natin ang Kanyang Kadakilaan at ang Kanyang Pagmamahal sa atin.

10.                        Nakita nating may namatay sa ating mga kapatid at mga kamag-anak subalit nalimutan natin silang paalalahanan at akayin sa pananampalatayang Islam kung hindi pa nila ito tinatanggap. Dapat na encourage ourselves to attend the funeral. At kapag nakipaglibing tayo makikita natin kung papaano ang tao sa ilalaim ng hukay at we have to reflect na tayo ang maaaring sumunod doon at walang nakakaalam nito maliban kay Allah.


{wa man  ya'mal sooo'an 'aw yazlim nafsahoo summa yastaghfiril-laaha yajidil-laah Ghafoorar-Raheem.}
"At sinuman ang gumawa ng masama o nag-bibigay kamalian sa kanyang sarili, at matapos ito, ay humanap ng kapatawaran ni Allah; kanyang matatagpuan na si Allah ay lagi ng Nagpapatawad, ang Pinakamaawain (Qur'an An Nisa 4:110)

Kaya mga kapatid ko sa pananampalatayang Islam katakutan natin ang kaparusahang maaaring igawad sa atin ni Allah (SWT) sa araw na iyon na walang ibang maaaring sulingan maliban sa Kanyang awa at Habag.

Wa ashadu anla Illaha illa anta wa astaghfiruka wa tubulayk. As salam alayukum wa rah matulahi wa barakatu.